--Ads--

Hindi umano saklaw ng saligang batas ang Civil-military Junta na naglalayong mapatalsik ang matataas na lider ng bansa, ayon sa isang law professor.

Ito ay matapos ihayag ni President Pro Tempore Panfilo Lacson na inalok umano siya ng ilang retiradong opisyal ng militar na maging bahagi ng isang “civil-military junta” na layong patalsikin sa pwesto sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Arreola, sinabi niya na mayroong tamang proseso na naaayon sa saligang batas kagaya ng impeachment kung saan maaaring gamitin ang ilang grounds bilang basehan gaya na lamang ng bribery, graft and corruption, betrayal of public trust, at iba pang culpable violation ng konstitusyon.

Hindi rin aniya basta na lamang magtalaga ng kung sinong caretaker ng bansa kung sakali mang mapatalsik ang Pangulo at pangalawang pangulo dahil mayroong sinusundang ‘rule of succession’ kung saan next in line ang Senate President ngunit kung siya ay incapable ay tatayong Acting-President ang Speaker of the house.

--Ads--

Kinakailangan ding aniyang magsagawa ng sesyon ang kongreso not later than 60 days para maghalal ng bagong Presidente at Bise Presidente.

Ayon kay Atty. Arreola, ang civil-military junta ay isang uri ng sedisyon kaya tama lamang umano ang ginawa ni Lacson na tanggihan ang mga ganitong alok dahil ito ay “extra-constitutional means” o hindi nasasaklaw ng konstitusyon.