--Ads--

CAUAYAN CITY- Binuksan sa mga civilian volunteers ang retrieval operations sa lima pang nawawala makaraang matabunan ng lupa ang gusali ng DPWH na kanilang tinutuluyan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Inspector Eduard Bigwil hepe ng Natonin Police Station na kinakailangan muna magrehistro sa kanilang himpilan bago magtungo sa ground zero sa posibleng kinaroroonan ng mga biktima.

Tiniyak naman ni Inspector Bigwil na ligtas naman ang mga nagsasagawa ng rescue operations na pangunahing galing sa Bayan ng Besao at Natonin sa Mountain Province at Aguinaldo Ifugao.

Sinabi niya na manual ang isinasagawang retrieval ng mga civilian volunteers gamit ang mga bareta at pala.

--Ads--