CAUAYAN CITY- Mas pinaigting na ng Police Regional Office 2 o PRO 2 ang pagbabantay sa ginagawang clearing at assistance sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Leon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin ang tagapag salita ng Police Regional Office 2 sinabi niya na puspusan ang ginagawa nilang releief operation sa para sa 3,264 evacuaees na nanatili sa lahat ng mga evacuation center sa Batanes, Cagayan at Isabela.
Matatandaan na bago paman dumaan ang super typhoon Leon ay nauna nang nagkasa ng preventinve evacuation ang LGU Batanes kaya walang naitalang casualty sa naturang Probinsiya.
May ilang tulay sa Cagayan partikular sa bahagi ng Sto. Nino, Baggao at Penabalanca sa Cagayan habang hindi din madaan ang tulay sa Sta. Maria Isabela.
Samanatala, fully establish na ng PRO2 ang police ssistance desk para sa lahat ng mga sementeryo sa buong lambak ng Cagayan ngayong Undas 2024.
Taon taon ay katuwang ng PNP ang BFP at Highway Patrol group sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong rehiyon.
Sa datos ng RPO 2 nasa higit 4,000 katao na ang nagtungo sa mga sementeryo para dalawin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.