--Ads--

CAUAYAN CITY – Iginiit ng Department of Science and Technology (DOST) na mahalaga ang isinasagawang clinical trial sa Virgin Coconut Oil (VCO) sa kabila ng pagdating sa Pilipinas ng mga COVID-19 vaccine.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Imelda Agdeppa, Director 4 and Scientist 2 ng DOST na ang VCO ay makakatulong sa primary treatment na bakuna kaya mahalaga na ipagpatuloy ang clinical trial nito sa mga positibo sa COVID-19 na mild at moderate ang kalagayan.

Aniya, kaunti pa lamang sa mga Pilipino ang nababakunahan dahil sa kakulangan ng suplay kaya kung maganda ang magiging resulta ng ginagawa nilang pag-aaral ay malaking tulong ang VCO hindi lamang sa mga pasyente kundi maging sa mga agsasaka na nagtatanim ng niyog.

Ganito ang bahagi ng pahayag ni Dr. Imelda Agdeppa.

--Ads--
Ang pahayag ni Dr. Imelda Agdeppa