--Ads--

Closed van nahulog sa bangin, 2 sakay ligtas matapos sumabit sa puno ang sasakyan

CAUAYAN CITY – Himalang nakaligtas ang dalawang sakay ng closed van makaraang nahulog sa bangin sa Santa Fe, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Insp. Ariel Gabuya, hepe ng Santa Fe Police Station sa Nueva Vizcaya na ang nasabing sasakyan patungong Norte at pababa sa daan nang maramdaman ng driver na si Charlie Gallardo, 28 anyos, residente ng Del Pilar, Cabatuan,Isabela na mayroong mechanical deffect ang minamanehong sasakyan

Hindi na nakontrol ng driver ang sasakyan at nahulog sa bangin ngunit nasabit sa isang punongkahoy sanhi para hindi tuluyang mahulog sa 50 metrong lalim ng bagin.

--Ads--

Inihayag ni P/Sr. Inspector Ariel Gabuya, hepe ng Santa Fe Police Station sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na dahil sa pagkakasabit ng sasakyan sa puno ay himalang galos lamang ang tinamo ng tsuper na si Gallardo at pahinante nitong si Erwin Tama , 24 anyos ng Luna, Isabela na agad dinala sa pagamutan ng mga tumugong rescue team.

Ang closed van ay naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga panindang groserya na dadalhin dito sa Isabela.