--Ads--

CAUAYAN CITY- Nayupi ang harapan ng isang closed van matapos na salpukin ang sinusundang dump truck sa Barangay Minantes Dos, Cauayan City, Isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jerry Francisco ang tsuper ng truck sinabi niya na paparada sana siya sa gilid ng daan para bumili ng palamig ng biglang sumalpok sa likurang bahagi ng dump truck ang closed van na minamaneho ni Arman Mangano.

Aniya nagtataka siya kung paanong sumalpok pa sa likuran ng dumptruck ang closed van gayung mabagal lamang ang kaniyang takbo at nagsignal light din bago pumagilid.

Inihayag naman ni Arman Mangano na pauwi na sana siya sa Lunsod ng Santiago.

--Ads--

Aniya na habang sinusundan ng dumptruck ay nagulat na lamang siya ng biglang huminto ito.

Sinubukan pa umano niyang magpreno subalit inabutan at nasalpok parin niya ang truck. Handa naman siyang makipag ayos sa driver ng truck para hindi na humantong pa sa demandahan ang insidente.