Inatasan ng isang korte sa Switzerland na manatili sa kustodiya ang co-owner ng isang bar sa Crans-Montana ski resort na nasunog noong Bagong Taon at ikinasawi ng 40 katao.
Ayon sa pahayag ng korte, si Jacques Moretti ay ikukulong sa loob ng tatlong buwang provisional period, ngunit maaaring muling suriin kung may mga hakbang na gagawin upang maiwasan ang panganib ng pagtakas, gaya ng pagbabayad ng security deposit.
Noong Biyernes, matapos ang mahabang pagdinig kasama si Moretti at ang kanyang asawa na si Jessica, ay ikinulong.
Sa pahayag ng mga abogado ni Jessica Moretti nitong Lunes, sinabi nilang ang desisyon ng korte ay magbibigay-daan upang makalaya ang kanyang asawa kapag natugunan na ang mga kondisyon.
Ang insidente ay naganap sa Crans-Montana, isang kilalang ski resort, kung saan maraming kabataan ang kabilang sa mga nasawi.
Inamin ng mga lokal na awtoridad sa Switzerland na nagkaroon ng pagkukulang sa inspeksyon sa naturang bar bago ang trahedya.
Ayon sa korte, isinasaalang-alang nila ang di-matitinag na pangako nina Jacques at Jessica Moretti na hindi nila iiwasan ang mga kasong legal na kanilang haharapin.











