Inirerekomenda ng Commission on Audit na pigilin ang pagtanggap ng suweldo ng mga responsableng opisyal ng DepEd sa Php 6.9-B na unliquidated cash advances.
Naglabas ng rekomendasyon ang Commission on Audit (COA) para gumawa ng kaukulang hakbang kabilang ang paghold sa suweldo at pagpataw ng mga parusa, laban sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) na nabigong mag-liquidate ng cash advances (CAs) na nagkakahalaga ng Php 6.96 bilyon noong Disyembre 31, 2023.
Sa 2023 Annual Audit Report nito, ibinandera ng COA ang kabiguan ng DepEd na sumunod sa mga batas at regulasyon, na nagreresulta sa akumulasyon ng mga unliquidated na CA.
Kabilang sa mga pangunahing kakulangan ang pagbibigay ng mga CA nang walang Authorization, paglilipat ng mga pondo sa pagitan ng mga Accountable Officers (AOs), hindi pag-bond ng mga AO nang maayos, at pagbabayad ng mga gastos tulad ng Service Recognition Incentives (SRI) sa pamamagitan ng mga CA sa halip na direktang pagbabayad.
Batay sa ulat, ang mga nangungunang rehiyon na may pinakamataas na balanseng hindi na-liquidate ay kinabibilangan ng;
Region VII (Central Visayas) na may 1.31 billion
Region VIII (Eastern Visayas) na may 1.01 billion
Region XII (SOCCSKSARGEN) na may 819.4 million
Region IX (Zamboanga Peninsula) na may 537.1 million
Region VI (Western Visayas) na may 513.9 million
At NCR (National Capital Region) na may 301.9 million.
Upang matugunan ito, inirekomenda ng COA naItigil ang pagbibigay ng mga bagong cash advance sa mga opisyal na may mga nakabinbing balanse.
Issueance of Demand Letter sa mga aktibong empleyado para sa liquidation.
- withhold ang mga suweldo at dapat pagbayarin ang mga delingkwenteng AO hanggang sa mabayaran ang unliquidated cash advances balance.
Magpataw ng mga parusa sa ilalim ng mga panuntunan ng Civil Service Commission (CSC), at itala ang mga dormant accounts na hindi na lulutas sa loob ng mahigit isang dekada.
Binanggit din sa ulat na sa ilang mga kaso, ang mga natitirang balanse ay may kinalaman sa mga nagretiro na opisyal, nagbitiw, nag-AWOL o Absence Without Leave, o lumipat na maaaring nagdulot ng komplikasyon sa recovery process.