--Ads--

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na may palatandaan ng mahinang pagpaplano ang Social Security System (SSS) matapos itong bumili ng 143,424 rolyo ng tissue paper noong 2024 na nagkakahalaga ng ₱13.195 milyon.

Ayon sa audit report, mataas ang suplay ng tissue paper sa halaga ng kakailanganin lamang ng SSS para sa dalawang buwan, isang indikasyon na “sobra-sobra” ang order.

Dagdag pa rito, sinabi ng COA na 116,046 rolyo ang nanatili sa supplier habang wala pang pormal na kasunduan o documented contract at ang transaksyon ay batay lamang sa “verbal agreement.”

Binanggit din ng audit report na ang pondong ginastos rito ay maaaring sana’y napunta sa mga benepisyo tulad ng pension o funeral aid, tulad ng maaaring makatulong ito sa humigit-kumulang 2,000 pensioners o magsilbing funeral benefits para sa pumanaw na miyembro.

--Ads--

Kasama sa mga natukoy na isyu sa ulat ng COA ang problema sa sistema ng procurement at inventory management ng SSS, isa itong halimbawa ng pagsasamantala o kapabayaan sa pampublikong pondo.