CAUAYAN CITY – Dinakip at sasampahan ng kaso ang isang pampublikong guro sa lungsod ng Santiago dahil sa panggagahasa sa isang mag-aaral.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, kasong sexual harrasment at rape ang isasampang kaso laban sa guro na itinago sa pangalang Leo, 34 anyos.
Nakilala ang biktima na si Angel, 19 anyos, college student at anak ng isang guro.
Pinaniniwalaang nag-ugat ang masamang balakin ng guro sa kanyang estudyante dahil bigo umanong magawa ng biktima ang kanilang project sa itinakdang panahon.
Dinala ng suspek si Angel sa isang hotel at lumabas sa pagsusuri ng mga doktor na positibong ginahasa ang biktima.
Napag-alaman na matagal nang inirereklamo ang nasabing guro dahil sa kanyang gawain subalit walang naglalakas loob na siya ay ireklamo sa Pangulo ng nasabing paaralan.




