--Ads--

CAUAYAN CITY – Binibigyang prayoridad ng Commission on Election o COMELEC sa kanilang isinasagawang satellite registration ang mga barangay sa Forest Region.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Anthony Cortez ang Acting Election Officer ng COMELEC Cauayan City, sinabi niya na kinausap na niya ang mga kapitan ng mga barangay sa poblacion sa naganap na pagpupulong noong nakaraang linggo.

Sinabihan na umano niya ang mga ito na huwag nang magpa-schedule ng satellite registration sa tanggapan ng COMELEC at ipaubaya nalang ito sa mga taga malalayong barangay.

Aniya napakalapit lang nila sa mismong opisina ng COMELEC hindi katulad ng mga taga forest region na bukod sa malayo ay gagastos pa ang mga ito ng pamasahe upang makarating sa kanilang tanggapan.

--Ads--

Bukas naman aniya ang kanilang tanggapan para sa mga walk in mula araw ng lunes hanggang hwebes at para naman sa satellite registration ang araw ng biyernes at sabado.

Panawagan naman ni Atty. Cortez para sa mga dipa rehistrado at malapit lang sa nakaschedule na barangay para sa satellite registration na maaring pumunta rin upang magparehistro at hindi na maabala pang pumunta sa kanilang tanggapan.

Sa barangay Guyabal ang Schedule ng satellite registration sa biyernes at sa Villa Concepcion naman sa sabado.