--Ads--

Handa ang Commission on Elections (Comelec) na isagawa ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahit tumapat ito sa All Soul’s Day sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hindi sila kinonsulta sa itinakdang petsa, ngunit handa silang magdaos ng halalan kahit may posibilidad ng masamang panahon.

Dahil sa pagtapat sa Undas, sisiyasatin din ng Comelec kung maaapektuhan nito ang voter turnout, lalo’t maraming Pilipino ang uuwi sa probinsya upang gunitain ang okasyon.

Matatandaang kahapon nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagpapaliban sa halalan sa susunod na taon at nagpapalawig ng termino ng mga kasalukuyang barangay at SK officials.

--Ads--