--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling pinalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) Isabela ang mga kandidadto sa pagsisimula ng campaign period bukas, araw ng Hwebes, October 19, 2023.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Election Officer Atty. Manuel Castillo sinabi niya na simple lamang ang mga panuntunan na dapat sundin ng mga kandidato.

Una ay ang wastong pagsunod sa poster o campaign material na size 9 x 2 x 3 na ilalagay lamang sa mga common poster areas at private property na may pahintulot ang may-ari.

Mahigpit na ipinagbabawal ng COMELEC at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasabit ng campaign materials sa mga puno at mga pampublikong lugar at istraktura.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay naglabas sila ng listahan para sa last minute instructions ng COMELEC ilang oras bago ang pangangampanya.

Samantala, inamin ng COMELEC Isabela na nakapagtala na rin sila ng ilang reklamo kaugnay sa premature campaigning partikular sa San Manuel, Roxas at Cabatuan, Isabela na nabigyan na nila ng show cause order.

Kabilang naman sa sinusuri ngayon ng COMELEC ang issue ng isang local publication na nagpost ng litrato ng nasa walong kandidato na humihingi ng boto tatlong araw bago ang opisyal na campaign period.

Naobserbahan din ng COMELEC Isabela sa filling ng Certificate of Candidacy na mayroon paring mga Sangguniang Kabataan Candidates ang naghain pa rin ng COC kahit na may direktang kamag-anak na incumbent barangay officials.

Ang mga SK candidates na mapapatunayang tumakbo o nahalal kahit na may kamag-anak na imcumbent Barangay Officials ay posibleng maharap sa paglabag sa Election Omnibus Code kahit pa nagwithdraw ng COC.

Tinig ni Atty. Manuel Castillo.