Muling nagpaalala ang Commission on Election o COMELEC Isabela para sa mga panuntunan na ipinapatupad ng komisyon ngayong papalapit na ang May 2025 National Local Elections sa buwan ng Mayo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Manuel Castillo ang Provincial Election Supervisor ng COMELEC Isabela sinabi niya na puspusan ang ginagawa nilang paghahanda para sa May 2025 Elections.
Sa katunayan aniya Pebrero palang nang magsimula ang pagsasanay ang mga DESO Techician habang Marso naman nagsimula ang training ng mga guro na mag-seserve sa halalan na susundan ng training para sa mga PNP Personnel na magiging bahagi ng contingency maging mga guro na siyang mangangasiwa ng halalan sa BJMP facility para sa PDL’s.
Tuloy tuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa F2 logistics para sa distribusyon ng Election Paraphernalia.
Ngayong nagsimula na ang campaign period para sa National Candidates at napipintong pagsisimula na rin ang campaign period sa Local Candidates ay naging abala sila sa Operation Baklas gayunman naging limitado ito sa mga private properties.
Aniya, bagamat limitado ito ay mahigpit sila sa pag baklas ng mga election materials sa mga pampublikong lugar at kabilang dito sa mga sasakyan.
Kung sakaling may pangyayari na may anumang sasakyan na pag mamay-ari ng Pamahalaan ang makikitang ibinabalandra ang mukha o pangalan ng sino mang mga kandidato maging partylist kung ito ay dokumentado ay maaari itong ituring na election offense bilang abuse of state resources at indirect na pamimili ng boto.
Paglilinaw niya na may panuntunan sila para sa paghahain ng reklamo sa mga kandidatong makikitang lumalabag Omnibus Election Law gaya ng pag dokumento sa nakitang paglabag at pormal na paghaharap ng kaso.
Paalala ng COMELEC Isabela para sa Local Candidates na alinsunod sa kanilang COMELEC Resolution sa loob ng 72 hrs bago ang campaign period ay maaari nilang boluntaryong alisin ang kanilang mga election material na wala sa lugar.
Inaatasan din nila ang mga Election Officers na abisuhan ang mga kandidato kaugnay dito ay kung sila ay mabibigo ay maaaring gumawa ng hakbang ang COMELEC.
Una rito ay ang operation baklas, at documentation bago ang pagpapadala ng notice sa mga kandidatong lalabag, kung magkakaiba aniya ang lugar ay aasahan na rin ang magkakaibang paglabag.
Mananatili naman ang stand ng COMELEC para sa pagbibigay prayoridad para sa mga botante na senior citizens, PWD, at mga buntis kung saan maaari silang bumoto mula sa las-5 ng madaling araw hanggang alas-7 ng umaga.