--Ads--

CAUAYAN CITY- Muli ay nag paalala ang Commission on Election sa limitasyon sa pangangampaniya ng mga Barangay Officials.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Region 2, sinabi niya na may dalawang klase ng empleyado ng pamahalaan ang appointive at elective officials.

Aniya batay sa COMELEC resolution ang mga elected officials gaya ng Barangay Kagawad ay pinahihintulutang ikampaniya ang sinusuportahan nilang kandidato subalit hindi ito maaaring gawin during office hours.

Taliwas ito para sa mga appointive employees na mahigpit na pinag-babawalang makisawsaw sa anumang uri ng partisan politics.

--Ads--

Bagamat pinahihintulutan ang mga elective officials ay dapat aniyang isa alang alang na may ilang panuntunan paring dapat na sundin dito.

Isa sa mga limitasyon aniya dito ay ang pagdidikta sa isang botante kung sino ang dapat nilang iboto kahalindtulad ng nag viral na insidente sa Quirino, Naguilian Isabela.

Matatandaan sa naturang insidente na pinagbantaan ng dalawang Barangay Kagawad ang isang botante na pepetisyunan upang mapaalis sa bayan ng Naguilian, Isabela subalit pababalikin din pagkatapos umano ng halalan.

Giit niya na ang ganitong aksyon o uri ng pangangampaniya ay paglabag na sa konstitusyon.

Dapat aniya ang halalan ay panahon ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga Pilipino anuman ang kasarian o estado sa buhay.

Samanatala, may pag lilinaw din ang Comelec kaugnay sa usapin ng vote buying dahil sa ilang mga alegasyon dahil sa umanoy nakitaan ng malaking halaga ng pera ang ilang indibiduwal.

Ayon kay Atty. Cortez lahat naman ng tao ay may pera at hindi lahat ng pera ay ginagamit lamang sa vote buying maliban na lamang aniya kung ang nakitang pera ay may kalakip na pulyetos ng kandidato.

Giit niya na anumang akusasyon ng vote buying ay dapat suportahan ng matibay na ebidensya na ang pera ay ginamit sa pamimili ng boto.

Ibang usapin pa aniya ang money ban kung saan dalawang araw bago ang halalan ang sinumang mahuhulihan ng pera na nagkakahalaga ng 500 thousand pesos o higit pa sa anumang PNP Checkpoint ay ikukunsidenrang Prima facie Case at vote buying.