--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala ang COMELEC Region 2 sa mga aspirant candidates sa unang araw ng filing ng Certificate of Candidacy o COC para sa 2025 National and Local Elections.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez sinabi niya na gaya ng paulit ulit nilang paalala ay dapat tiyakin ng mga kandidato na mapunan o ma-fill-out ang lahat ng mga kailangang dokumento.

Kung sila ay may CONA ay kailangan itong ipa-receive sa mga election officers.

Hindi aniya maaaring tumanggap ng COC na may kulang na impormasyon dahil ipinagbabawal ang mga Election Officer na magsulat dito.

--Ads--

Aniya tanging ang mga aspirants o kandidato lamang ang maaaring magsulat o mag fill-out sa kanilang COC.

Kung sakali mang may representative ang kandidato kailangan na ito ay may authorization maliban pa sa pagdadala ng valid identification card ng aspirant candidate.

Paalala pa ng COMELEC na ang mga filed COC ay kanilang isasapubliko kaya dapat na tiyakin na ng mga aspirant candidate na tama ang mga impormasyong inilalagay nila dito.

Nilinaw naman niya na wala silang kapangyarihan na mag-identify ng nuisance candidate o misrepresentation dahil ang may sakop nito ay ang COMEELC En Banc.

Samantala, natapos na ang pagpaparehistro kahapon kaya naman ifa-finalize na nila ang total number of voters sa buong Lambak ng Cagayan.