--Ads--

Kumpiyansa ang Comelec Naguilian sa seguridad ng mga Automated Counting Machines dahil na maigting na pagbabantay ng PNP.

Nakadeploy na ngayon sa iba’t ibang Barangay ang mga PNP personnel para sa pagbabantay at seguridad ng halalan ngayong araw.

Inihayag ni PMSGT. Hermie Ramirez ng Naguilian Police Station na istrikto ang pinapatupad nilang seguridad sa lahat ng mga election paraphernalia sa loob ng mga voting precints sa Naguilian Central school kung saan tatlong Barangay sa Naguilian ang boboto doon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Myrtel Marayag sinabi niya na walang naitalang aberya sa mga ACM at hindi nagalaw ang limang ACM contingencies na nakalaan sakaling magkaroon ng aberya.

--Ads--

Paalala niya sa mga botante na maging matalino sa pagboto lalo at kamakailan ay naging talamak ang pamimili ng boto.