Naki-usap ang COMELEC sa mga Gun owners na ipasakamay na sa mga otoridad ang kanilang mga armas na walang permit at walang lisensya kasabay ng ipinapatupad ng gun ban para sa 2025 National and Local Elections.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo sinabi niya na may inilabas ng resolusyon ang COMELEC para sa mahigpit na obserbasyon ng Gun Ban.
Ibig sabihin nito na kailangang kumuha ng Certificate of Authority ang mga gun owners upang mapahintulutang magbitbit ng baril.
Tatagal ang pagbibigay ng permit o certificate ng COMELEC hanggang May 28, 2025.
Kabilang sa mga ahensiya na maaaring kumuha ng Certificate of Authority ang mga Active members ng PNP, AFP at Security Personnel.
Paalala ng COMELEC na kung walang Certificate of Authority ay maaaring mapatawan ng mabigat na parusa sa ilalim ng Omnibus Election Code ang mga personalidad na mahuhulian o mapapatunayang nagbibitbit ng baril na walang permit o permiso mula sa Komisyon.