--Ads--

CAUAYAN CITY – Abala ngayon ang COMELEC Region 2 sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election na gaganapin sa buwan ng Oktubre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Jerbee Cortez, Asst. Regional Director ng COMELEC Region 2 na abala sila sa paglilinis sa listahan ng mga botanteng namatay na at lumapit ng ibang lugar.

Habang sa June 6-7, 2023 ay ipapadala ng kanilang punong tanggapan ang listahan ng mga natukoy nilang double registrants.

Magsasagawa din sila ng pagsusuri upang maalis na sa  kanilang listahan ang mga double registrants.

--Ads--

Ang listahan ay galing sa kanilang Punong tanggapan at kanila namang aalamin kung talagang double registrants.

Ang nasabing listahan ay ipapadala sa kanilang tanggapan sa June 6-7.  

Ang filling of candidacy ay sa August 28 hanggang September 2, 2023 at kapag naghain na ng kandidatura ay ipagbabawal na sa kanila ang pangangamanya mula September 3 hanggang October 8.  

Magsisimula lamang ang pangangampanya sa October 19-28.

Samantala, inihayag pa ni Atty. Cortez na ang pagdedeklara ng election hotspot at COMELEC control ay nasa kamay ng PNP at kailangang alamin kung may history ng kaguluhan sa mga nagdaang halalan.

Sinabi pa ni Atty. Cortez na mas maraming guro ang magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Tinig ni Atty. Jerbee Cortez.