--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahandaan ng Commision on Election (Comelec) Region 2 ang operation baklas para sa mga campaign paraphernalias na nakapaskil sa mga hindi common poster areas.

Ito ay isasagawa sa ika-28 ng Marso 2025 kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa mga local candidates.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng Comelec Region 2, sinabi niya na hindi pa man nagsisimula ang kampanya para sa mga lokal na klandidato ay marami na silang nakikita na mga campaign materials na wala tamang lugar.

Nagbigay na umano sila ng mga notice sa mga aspirant na mayroon nang mga poster na nakapaskil sa mga hindi awtorisadong lugar ngunit kapag sumapit na ang Marso 28 at hindi pa rin natatangal ang mga ito ay sila na ang magbabaklas.

--Ads--

Maliban sa pagbabaklas ay pwede rin nilang sulatan ang mga kandidato kung saan bibigyan ang mga ito ng 72 hours para tanggalin ang kanilang mga campaign material.

Kung hindi nakasunod ay kakasuhan ng Comelec ang mga lumabag na kandidato.

Nilinaw naman niya na lahat ng mga campaign materials na nasa private property ay kinukonsidera bilang freedom of experssion kahit pa hindi nakasunod ang mga ito sa standard size.