CAUAYAN CITY- Nasa huli ng bahagi na ng paghahanda ang Commission on Elections o COMELEC region 2 para sa May 12 National and Local elections.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez ng COMELEC Region 2, sinabi niya na delivered na lahat ang Automated Counting Machines at Official Ballots sa iba’t ibang bayan sa buong Rehiyon Dos.
Inaasahang darating na rin ang Official Ballots para sa Coastal areas na mangagaling sa F2 logistics ng COMELEC.
Maliban sa mga gagamiting ACM’s ay dumating na rin ang contingency ACM’s na maaaring gamiting pamalit kung may mga mag kakaaberyang ACM na gagamitin sa May 12.
Kung noong mga nakaraang election aniya ay maaaring hiramin ang mga VCM na mula sa ibang presinto ngayon ay iba ang set up ng ACM.
Aniya kung mag kaka-aberya at magkakaroon ng kakulangan sa mga contingency ACM’s ay hindi basta basta maaaring manghiram ng makina ito ay dahil ang ACM ay may external at internal drive kung saan mailalagay ang mga datos.
Kung sakaling kailangan manghiram kailangan muna alisin ang mga datos na naka save sa ACM bago magamit muli.
Dahil gagamit ng internet para sa transmission ng datos may kasamang mga wifi modem ang mga ACM’s na may dalawang sim cards habang gagamitin naman ang starlink sa mga polling center na walang signal o mobile data.
Samantala, nagsimula na kahapon ang final testing and sealing ng mga ACM’s sa Region 2 na magtatapos sa May 7.
Matapos ang sealing ay itatago na ang mga ACM sa mga polling center o sa mga lugar kung saan masisigurong ligtas ang mga makina bago ang May 12 elections.










