--Ads--

Nagpaalala ang Commission on Election sa mga panuntunan na ipapatupad sa nakatakdang pag uumpisa ng Election Period sa January 12, 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Comelec Assistant Regional Director Atty. Jerbee Cortez sinabi niya na simula na ang application ng exemption para sa ipapatupad na Gun ban para sa National at Local elections ngayong taon.

Kasabay ng gun ban sa January 11 ay magsisimula na rin ang simultaneous COMELEC checkpoint sa buong bansa.

Sa buong period ng Election period ay mahigpit na imomonitor ang mga insibiduwal na magbibitbit ng baril.

--Ads--

Magsisismula ang Campaign period ng NAtional Position sa February 12,2025 habang March 23,2025 naman para sa Local Position sa naturang mga campaign period ay ipinagbabawal ang mag transfer at pag-appoint maliban nalamng kung may proper apporval mula sa COMELEC.

Bawal rin ang pagsasagawa ng proyekto kabilang ang construction o infrastructure maliban kung merong exemption o Authority to Continue Public Works maging public spending o paggamit ng pondo ng Pamahalaan.

Nilinaw din ng COMELEC na saka lamang ituturing na Offical Candidate ang mga aspirant na nag hain ng COC sa pagsisimula ng Campaign Period alinsunod sa Omnibus Election Code.

Sa ngayon ay halos patapos na rin ang COMELEC Region 2 sa ginagawa nilang ACM o Automated Counting Machine Demonstration sa buong Lambak ng Cagayan kabilang ang mga itinuturing na furthest barangay bago ang deadline sa January 31,2025.