--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinututukan ngayon ng Commission on Elections  (Comelec) region 2 ang paghahain ng Statement of Contribution and Expenditure (SOCE)  ng mga kandidato noong nakaraang lokal at pambansang halalan.

Natalo o nanalong kandidato sa halalan ay kailangang maghain ng SOCE hanggang June 8, 2022.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Asst. Regonal Director Jerbee Cortez ng Comelec region 2, acting election officer ng Comelec-Cauayan City na marami nang napatawan ng parusa na kandidato sa mga nagdaang halalan dahil sa hindi paghahain ng SOCE.

May sinampahan na rin ng kasong kriminal dahil  lumampas sa pinapayagang limit ang naging gastos sa pangangampanya o  campaign expenditure.

--Ads--

Ayon kay Atty. Cortez, sa Cauayan City ay wala pang kandidato sa halalan noong May 9, 2022ang naghain ng SOCE.

Kapag may lumagpas aniya ng campaign expenditure ay sa punong tanggapan ng Comelec susuriin ang mga dokumento matapos nilang ipadala ang hard at soft copy.

Kapag ang isang kandidato ay tatlong beses na hindi naghain ng SOCE ay madidis-qualify na sa susunod na halalan.

Ang ipinapataw namang administrative fine ay 2,000 pesos  hanggang 45,000 pesos  depende sa posisyon.

Samantala, ang assessement ni Atty. Cortez sa pangangasiwa ng halalan sa ikalawang rehiyon ay 90% ang rating dahil naging maayos at mabilis ang transmission ng resulta ng botohan.  

Ang naging problema lang ay may mga guro na ayaw nang magsilbi sa halalan tulad sa Palanan, Isabela kaya mga pulis  ang nagsilbing electoral board.