--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan ang COMELEC Santiago City na ang Law Department ang maglalabas ng desisyon sa pagkakaroon ng over nomination sa isang Political Party.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer ng COMELEC Santiago City, sinabi niya na walang personal na impormasyon ang kanilang tanggapan sa dahilan ng pagkakaroon ng over nomination sa isang Political Party na kinabibilangan ng isang aspiring candidate na naghain ng kaniyang COC para sa pagka-mayor.

Ayon sa kaniya maaring nagkaroon ng miscommunication o nasobrahan ang issuance ng Certificate of Nomination and Acceptance o CONA sa nasabing partido bagamat tanging ang Legal Department lamang ng COMELEC ang makakapagpasya kung ano ang dapat gawin dito.

Una nang napaulat ang naging pagpapahayag ni Atty. Gutierrez kaugnay sa naging problema sa Substitution na inihain ni Dating Kinatawan Gigi Aggabao sa unang posisyon na tinakbuhan ni dating Mayor Amy Navarro.

--Ads--

Anya wala umano ito sa posisyon upang ihayag kung Valid o Invalid ang magiging hatol sa isinumiteng substitution ng kampo ni Dating Congressman Aggabao at dating Mayor Navarro noong ika-siyam ng Nobyembre.

Lumalabas na dahil sa dalawa ang tumakbo sa pagka-mayor mula sa Partido para sa Demokratikong Reporma ay awtomatikong magiging Independent Candidate ang mga ito dahil sa paglabag sa COMELEC Resolution No. 10717 na ipinagbabawal ang over nomination sa mga Political Party.

Matatandaan na noong ikaapat ng Oktubre naghain ng COC para sa pagka-mayor si dating Mayor Amy Navarro at noong ikawalo ng Oktubre ay nagsumite naman ng kaniyang COC sa pagkaMayor ang isang nagngangalang Christopher Aison na parehong kabilang sa nabanggit na partido.

Ikasampu ng Nobyembre nang ibaba ng COMELEC ang isang liham para sa kampo ni dating Mayor Amy upang ipaalam ang naturang usapin.

Ayon naman sa kampo ni Dating Cong. Aggabao, walang dapat ikabahala dahil si dating Mayor Navarro lang ang binigyan ng CONA ng Demokratikong Reporma.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Jenny May Gutierrez.