
Inaasahang sisimulan na ng Lupon ng Halalan o COMELEC Santiago ang pagsasanay sa mga indibiduwal na mangangasiwa sa darating na Halalan 2022.
ayon sa COMELEC Santiago City nagsimula na rin ang Training of Trainors na siya namang mangunguna sa mga matutukoy na Facilitators sa Region 2.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny Mae Gutierrez ang Election Officer ng COMELEC Santiago City sinabi niya na una nang naganap na Training of Trainors kung saan sinanay at sumailalim sa ilang serye ng Lecture ang ilang mga piling Election Officer upang magkaroon ng familiarization asa mga dapat at hindi dapat gawin sa darating na Halalan 2022.
Ayon kay Atty. Gutierrez isa siya sa mga napiling tagapagsanay sa Lambak ng Cagayan kaya naman aantayin na lamang ang mga matutukoy na araw kung kailan isasagawa ang pagsasanay sa mga Facilitator na karaniwang mga guro at posible itong maganap sa Enero sa susunod na taon.
Susundan ito ng serye ng mga Webinar upang magkaroon rin ng karagdagang kaalaman ang mga iba pang kawani ng COMELEC pangunahin na sa paglalatag ng mga panuntunan sa Voters Precinct at Machine Manipulation.
Dagdag pa rito, may mga dumating na ring Vote Counting Machines para sa Lalawigan ng Isabela at Quirino na siya pa ring gagamitin ngayong Halalan 2022.










