--Ads--

Sisimulan na ng Comelec Santiago City ang Satellite registration nito ngayong araw at ito ay magtatagal hanggang August 10, 2025.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer ng Comelec Santiago City, sinabi niya may Satellite Voters Registrations sa limang lugar sa lungsod.

Ito ay isasagawa sa Robinsons Place Santiago sa August 3, 2025, University of La Salete High School Department sa August 5, 2025, Rizal National High School sa August 5, 2025, Santiago City National High School sa August 7, 2025 at Barangay San Andres sa August 8, 2025.

Tatanggapin dito ang mga aplikasyon para sa registration, change of name and status, correction of entries, reactivation ng registration records, inclusion ng registration records at reinstatement ng pangalan sa listahan ng mga botante.

--Ads--

Mayroon ding updating ng records ng PWD, senior citizen, at mga miyembro ng IP at ICC, at transfer mula overseas patungong local lamang, habang pinapayagan din ang online filing para sa reactivation, reactivation with change/correction, at reactivation with updating of records, ngunit hindi pinapayagan ang local transfer ng registration records.

Nilinaw ni Atty. Gutierrez na maski araw ng Sabado at Linggo ay maaari pa ring magpatala maliban lamang sa mga gustong magpalipat ng lugar na pagbobotohan o transfer of registration.