--Ads--

May paglilinaw ang Commission on Elections o Comelec Santiago City sa pagpapanagot sa mga kandidatong lumabag sa panuntunan  ng paglalagay ng campaign materials.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer ng Comelec Santiago sinabi niya na hindi naman agad na kakasuhan ang lumabag na kandidato kundi may ipapataw na oras para maisaayos nito ang mga inilagay na illegal campaign materials sa loob ng 72 oras.

Kung tumalima naman ang mga ito ay wala silang kasong kakaharapin at kung hindi naman ay saka muling gagawa ng susunod na hakbang ang Comelec para sa pagsasampa ng kaso.

Matatandaang isang lokal na kandidato sa Santiago City ang kanilang pinadalhan ng sulat kaugnay sa mga illegal campaign materials nito.

--Ads--

Hinikayat naman niya ang publiko na kung mayroon mang makita na illegal campaign materials ay agad itong ipabatid sa kanilang tanggapan o sa malapit na himpilan ng pulisya upang ito ay matanggal.