--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang satellite registration ng Lupon ng Halalan o Comelec C Cauayan.

Sa ngayon ay nasa labing dalawa pang barangay sa Lunsod ang bibisitahin ng Comelec.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Election Officer Atty. Johanna Vallejo sinabi niya na layunin nilang ilapit na ang serbisyo ng Comelec  sa mga barangay o komunidad.

Natutuwa naman ang tanggapan ng Comelec dahil sa magandang turnout ng kanilang satellite registration.

--Ads--

Maliban sa pagpaparehistro ay bukas din ang Comelec para sa correction at re-activation.