--Ads--

Matapos ang eleksiyon nitong Mayo 12, hindi pa rin natatapos ang trabaho ng hanay ng Commission on Election

Ayon kay Election Officer johanna Vallejo ng Comelec Cauayan City, sinabi niya na magsasagawa pa sila ng pagbabaklas sa mga election materials.

Matapos nito ay hihintayin pa ng kanilang hanay ang pagpapasa ng statement of contributions and expenditure  o SOCE ng mga kandidato.

May tatlumpung araw ang mga kandidato na magsumite ng kanilang mga nagastos sa pangangampanya mula nang matapos ang eleksiyo nitong mayo 12.

--Ads--

Matapos nito ay paghahandaan naman nila ang Barangay and Sangguniang Kabataan Election 2025.

Dahil dito, tuloy tuloy ang kanilang magiging trabaho ngayong taon.

Aniya, magtutungo rin ang kanilang opisina sa bawat barangay para mag update ng kanilang records.