Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Regional Intelligence Division ng PRO 2 at 502nd Brigade ng Philippine Army ang isang akusado na kabilang sa Periodic Status Report on Threat Groups (PSRTG) bilang No. 2 Most Wanted sa Cagayan Valley.
Ang operasyon ay isinagawa sa Barangay Victoria, San Mateo, Isabela noong Nobyembre 15, 2025.
Kinilala ang akusado bilang alyas “Iwo”, na itinuturing na natitirang miyembro ng dating nabuwag na Komiteng Rehiyon–Cagayan Valley (KR-CV).
Ayon sa ulat, siya ay regular na kasapi ng Regional Operations Committee at nagsilbi sa ilang mahahalagang posisyon sa organisasyon, kabilang ang pagiging Commanding Officer at Platoon Leader/Squad Leader ng Squad Dos at Platoon East.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Illegal Possession of Explosives na inilabas ng RTC Branch 6, Aparri, Cagayan.
Bukod dito, mayroon din siyang Alias Warrant of Arrest para sa kasong Attempted Murder na inisyu ng RTC Branch 10 ng nasabing bayan.











