--Ads--

Natuklasan ng Commission on Audit (COA) na kabilang ang mga tinaguriang “ghost students” sa mga benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program ng Department of Education (DepEd) para sa school years 2022 hanggang 2023 at 2023-2024.

Sa latest audit report, napag-alaman ng COA na ilan sa mga insidente ng iregularidad ay ang karamihan sa Voucher Program Beneficiaries (VPBs) ay absent sa panahon ng monitoring visits na wala namang maipaliwanag na dahilan ang mga opisyales ng paaralan, habang ang ibang VPBs ay nabiyayaan ng programa ­pero umattend ng klase sa ibat ibang lugar at ang iba namang nakalistang benepisyaryo ay naka-enroll pero hindi umattend ng klase simula nang magsimula ang semester.

Nadiskubre rin ng COA na may ilang VPBs ay nakalista nang makailang beses sa parehong paaralan o nasa iba’t ibang Voucher Program-participating schools gayundin ay mayroon naganap na double billing o multiple entries para sa parehong benepisyaryo kayat ­nagresulta ito ng P868,500 halaga ng  overpayments.

Ayon pa sa COA, nitong nakaraan lamang ay gumamit ang DepEd ng Learner Information System para sa validation kahit na ang usaping nabanggit ay may ilang taon nang nadiskubre.

--Ads--

Binigyang diin pa ng COA na dahil sa kawalan ng sapat na ­eligibility criteria, pinayagan ang nasa 3,356 senior high school students na makatanggap ng  P62.9 milyong ­vouchers para sa School year 2023 hanggang 2024 kahit na ang mga high-tuition private schools ay sumisingil ng hanggang P317,000 kada taon.