--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pag-arangkada ng community based immunization ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH region 2 para sa mga kabataan sa rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Bryan Galapia ang Medical Officer 4 ng DOH region 2 siyang coordinator ng Community based immunization sinabi niya na taong 2013 ng simulan ang naturang programa sa ilalim ng School Based Immunization na inilunsad sa dalawampu’t apat na probinsiya sa buong bansa kung saan binakunahan ng DOH ang mga mag-aaral na nasa 1st year hanggang 4th year highschool.

2015 nang ma-integrate ito sa kanilang routine immunization kung saan binakunahan naman ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan na nasa grade 1 hanggang grade 6.

Ang naturang mga hakbang ng DOH ay bilang tugon sa bumababang bilang ng mga nababakunahan sa kani-kanilang target age group dahil sa kasalukuyang pandemiya.

--Ads--

Puntirya ng DOH region 2 na mabakunahan ng Measles Rubella at Tetanus Diphtheria ang nasa 176,997 na kabataan kung saan 91,397 rito ang edad anim hagnggang pito at  85,600 ang  edad labing dalawa at labing tatlo.

Aniya kung pahihintulutan ay maaaring isagawa ng immunization sa mga barangay hall o community centers kung saan titityaking kumpleto ng Personal Protective Equipment ang mga health workers na magsasagawa o mag-aadminister ng bakuna kung hindi naman ay maaaring isagawa ang house to house immunization.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbibigay ng impormasiyon DOH Region 2 sa mga magulang may kaugnayan sa importasiya ng pagbabakuna sa kanilang mga anak partikular sa mga tinatawag na vaccine preventable disease tulad ng Tigdas at Rubella.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Bryan Galapia ang Medical Officer 4 ng DOH region 2.