--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang isinasagawang Complimentary Food Demonstration at Nutrition Education para sa mga buntis at mga lactating moms.

Ito ay upang maturuan ang mga ina kung papaano ang dapat gawin pagkaraan ng isang libong araw ng kanilang mga anak.

Ayon kay City Nutritionist Mary Jane Yadalo City Nutrition Office, mahalaga ang ganitong aktibidad lalo na sa mga ina.

Aniya, dito kasi ay mas nagiging mulat sa reyalidad ang mga magulang sa dapat gawin para sa kanilang mga anak lalo na kung ito ay lagpas anim na buwan na.

--Ads--

Giit ng City nutritionist, hindi na sapat ang gatas na nagmumula sa ina kapag lagpas anim na buwan na ang bata.

Dapat ay sinasahaman na rin ito ng mga hard food na makakatulong para makuha ng bata ang sapat na nutrients na kailangan niya.

Isa rin sa feature ng demonstration ay kung papaano maghanda ng pagkain para sa baby na galing lamang sa bakuran.

Mas makakasiguro kasi na malinis at ligtas ang kukuning tanim kung mismong ang mga magulang mismo ang may tanim nito.

Ayon pa sa City Nutritionist, hindi lang ang mga ina ang daoat natututo may kaugnayan dito kaya isinama rin nila ang mga barangay officials upang matuto.

Ang Complimentary Food Demonstration at Nutrition Education ay bahagi ng isinasagawang aktibidad ng city nutrition office sa pagdiriwang ng national nutrition month.