CAUAYAN CITY– Umaasa ang composer ng ‘I’ll be right by your side” na si G. Patrick Mark Armada na kinakabahan na siya sa at gaganaping grand performance night Bombo Music Festival 2020 ngayong gabi.
Sinabi niya na confident siyang mananalo ang kanyang kanta bagamat kanyang inamin na pare-parehong magaganda ang mga pumasok sa 12 finalist.
Bilang composer ng kanta ay marami siyang sinalihan paligsahan ngunit ngayon lamang pumasok sa finalist ang kanyang kanta
Kanyang inihayag na naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanta ang kanyang karanasan sa pag-ibig.
Natupad na rin anya ang kanyang pangarap na mapapakinggan ng marami ang kanyang ginawa kanta.
Sakaling manalo ang premyo ay gagamitin niya sa kanyang pag-aaral sa graduate school at ang iba ay ilalaan sa mga pangangailangan.