CAUAYAN CITY-Malaki ang pasasalamat ng Composer na si Edgardo Miraflor na pumasok ang kanyang kantang “Someday when I’m King” sa 12 finalist ng 3rd Bombo Music Festival 2020.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni G. Edgardo Miraflor Jr. na noong ginawa niya ang kantang “Someday when I’m King” ay isinasabay niya sa kung ano ang kanyang nararamdaman.
Sinabi din niya na Bonus na anya sa kanya na napasama ang kanta sa 12 finalist ng 3rd Bombo Music Festival.
Magagaling anya ang mga pumasok sa 12 finalist at deserving anya kung sinuman ang mananalo.
Sinabi niya na kapag nanalo ay gagamitin niya ang mapapanalunang premyo sa pagtatayo ng kanyang music studio para malibre ang recording ng mga kapwa musician
Sinabi niya Family oriented ang kanyang ginawang kanta na tumutukoy sa isang pamilya bilang kingdom at ang ama ang maituturing na hari.
Sinabi pa ni Miraflor na dahil sa pagkakapasok ng kanyang kanta sa 12 finalist 3rd Bombo Music Festival ay mas naging inspirado siyang gumawa pa ng mga kanta.