CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng emergency meeting ang mga pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang pag-usapan ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers (Ofw’s) sa Libya.
Magpapadala ang pamahalaan ng composite team na binubuo ng mga opisyal n g DOLE, DFA at DENR sa Libya upang mag-asikaso sa pagpapauwi sa mga Ofw’s na apektado ng mga kaguluhan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamumuno sa composite team si DENR Secretary Roy Cimatu.
Ito ay dahil bihasa na si Kalihim Cimatu sa repatriation ng mga OFW.
Batay aniya sa assessment ng DFA ay lumalala ang nagaganap na civil war sa Libya ngunit nananatili pa rin sa alert level 3.