CAUAYAN CITY– Naniniwala si Congressman Antonio “TonyPet” Albano ng unang distrito ng Isabela na napapanahon ang pag-amiyenda sa Saligang Batas dahil hindi pa ito nabago mula noong 1987.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Cong. Albano na bigo ang mga nagdaang administrasyon na isakatuparan ang Charter Change (Cha-Cha) kaya panahon na para maisagawa ito sa kasalukuyang balangkas ng Kongreso para mabago ang economic provisions.
Ipinaliwanag ni Congressman Albano na ang hybrid model na sinabi ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ay magkakaroon ng non-elected delegates para magkaroon ng constitutionalists para mapag-aralang mabuti ang mga kailangang pagbabago sa saligang batas.
Ayon kay Cogressman Albano, sang-ayon siya na magkaroon ng appointed delegates tulad ng naganap sa pagbalangkas ng 1987 Constitution.
Magandang idea aniya ang hybrid model sa pagbabago sa saligang batas at tatalakayin nila ito sa Senado kung papayag sa imungkahi ni dating Chef Justice Puno.
Sasalang na sa plenaryo ang panukalang charter change matapos na pumasa sa committee level.
Magkakaroon ito ng sapat na panahon sa plenaryo para sa debatehan ng mga mambabatas.