--Ads--

Inilabas na ni Batangas 1st District Representative Leandro Legarda Leviste ang tinaguriang “Cabral Files” na naglalaman ng detalye ng mga proyektong nagkakahalaga ng ₱721 bilyon sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang naturang files ay ipinost ni Leviste sa kanyang social media. Makikita sa dokumento na higit ₱401 bilyon ang nakalaang pondo para sa mga District Congressmen, habang ₱14 bilyon naman ang mga panukalang proyekto ng mga party-list at ₱20 bilyon ang inihain ng mga senador.

Ipinunto rin ni Leviste na aabot sa ₱161 bilyon ang halaga ng mga proyektong itinuturing na kahina-hinala, kung saan karamihan ay flood control projects na may mga markang OP (ES/SAP), F1, BINI10, OT 2, LEADERSHIP, at CENTI2025.

Dagdag pa niya, may kabuuang ₱213 bilyong halaga ng mga proyekto ng DPWH na pinondohan mula sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 at 2024.

--Ads--