--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala si Kinatawan Rodito Albano ng Unang Distrito ng Isabela sa kakayahan ni Dating DSWD Secretary Judy Taguiwalo sa kabila ng pagkakabasura ng kanyang appointment ng Commission on Appointments o CA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Cong. Albano, isa sa mga kasapi ng CA, kanyang sinabi na isa sa pinaka-magaling na gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte si Taguiwalo ngunit kinakailangang igalang ang boto ng mga kasapi ng CA.

Hindi naman payag ang Kongresista na ihayag ang boto ng bawat isa dahil naniniwala siyang sagrado ang boto ng bawat isa at maging siya ay hindi sinabi ang kanyang boto

Samantala, inihayag din ni Cong Albano na hindi siya apektado sa mga post sa social media laban sa mga mambabatas na umanoy bomoto ng NO sa confirmation ni Taguiwalo kung saan kabilang siya sa mga tinukoy.

--Ads--

Inihayag pa ni Cong. Albano na wala naman siyang alam sa napapabalitang unti unti nang inaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga makakaliwang pangkat sa kanyang gabinete.