CAUAYAN CITY – Hiniling ni Congressman Antonio “TonyPet” Albano ng 1st district ng Isabela sa mga netizen na sa halip mambatikos ay makipagtulungan sa paglaban sa Coronavirus Disease (COVID19).
Ito ang reaction ni Cong. Albano sa mga batikos ng mga netizen sa mga larawan sa ginanap na special session ng Kamara na may hawak na plakard na nakasaulat ang mga katagang “Together with doctor and frontliners, we went to work for you so please stay home for us”.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, ipinaliwanag ni Cong. Albano na ginawa nila ito bilang pagbibigay ng parangal sa mga doktor at iba pang frontliners na namatay dahil sa COVID 19.
Hiniling niya kay House Speaker Alan Peter Cayetano na bigyan ng parangal ang mga namatay na doktor sa kanilang special session matapos na hingin ito ng kanyang mga batchmate sa Dela Salle University dahil tatlong alumni na doktor ang nasawi.
Sumama rin aniya sa larawan sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Interior Scretary Eduardo Anio dahil nais din nilang ipakita ang kanilang pakikiisa sa paglaban sa COVID19.
Sinabi pa ni Cong. Albano na maging silang mga kongresista ay nangangamba sa pagpasok sa kanilang gusali dahil dalawa nilang staff ang namatay ngunit kailangan nilang gawin ang kanilang trabaho na magpasa ng measure laban sa salot na virus.
Ayon pa kay Cong Albano, humingi na siya ng paumanhin kay House Speaker Cayetano na napasama sa kanyang naging kahilingan para mabigyan ng parangal ang mga namatay na doktor.
Nilinaw pa niya na ilalagay lang sana gallery section ang mga plakard ngunit nagpasya silang kunan ito ng larawan kasama ang mga mambabatas bilang pagpapakita ng pagkilala sa mga namatay na doktor.
Ito ay upang magbigay din ng mensahe sa mga mamamayan na manatili lamang sa kanilang bahay para hindi kumalat ang COVID 19 dahil nalalagay din sa panganib ang buhay ng mga medical pratitioners.
Iginiit ni Cong. Albano na hindi nila ikinukumpara ang kanilang sarili sa mga doktor ngunit maituturing ding mga semi-frontliners ang mga mambabatas












