--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang isang Congressman sa Isabela ng masusing imbestigasyon sa itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe.

Ito ay matapos na tukuyin ni PNP Chief Oscar Albayalde na ang kasalukuyang mayor ng bayan ng Daraga, Albay na si Carlwyn Baldo ang siyang mastermind sa pagpatay sa mambabatas.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Cong, Rodito Albano ng 1st District ng Isabela na umaasa siyang makakamit ang katarungan ng kanyang kapwa mambabatas na si Batocabe.

Bagama’t mayroon na umanong natukoy na suspek, tanging hukuman na lamang ang makakapagbigay ng desisyon kung ang tinukoy na suspek ang tunay na mastermind sa pagpatay kay Batocabe para sa tunay na hustisya.

--Ads--

Si Congressman Albano ay isa sa mga mambabatas na nag-ambag para sa reward money sa pagkakatukoy ng suspek.

Inilarawan pa niya si Batocabe na isang mabait at nakasama na rin niya sa pagbiyahe sa labas ng bansa.