--Ads--

CAUAYAN CITY- Ginanap ngayong araw ang Construction kick-off ceremony para sa itatayong pambansang pabahay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)  sa Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni City Mayor Caesar Jaycee Dy at Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nelson Bayang, Manager ng Ropaliland sinabi niya na nasa limang building na may labindalawang palapag ang target na maitayo sa 1.4 hectares na lupain kung saan aabot sa 1,430 housing units ang kaya nitong maipatayo.

Bahagi aniya ito ng isang milyong target na pabahay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) kada taon para mapunan ang housing backlogs sa bansa.

--Ads--

Sa ngayon ay aabot na sa 3,900 ang mga benepisyaryo at dalawang taon simula ngayon ay aasahang maipapatayo na ang mga nasabing gusali.

Hinihikayat naman niya ang mga residente na sa halip na mangupahan ay sumali na lamang sa Pambansang Pabahay na programa ng pamahalaan.