--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang construction worker ang dinakip sa isinagawang drug buy bust operation sa barangay Garita, Cabagan, Isabela.

Ang suspek ay si Mark Baguno Paguirigan, 21 anyos, binata at residente ng nasabing barangay.

Isinagawa ng Cabagan Police Station ang drug buy bust operation at positibong nakabili ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang umaktong poseur buyer sa suspek.

Agad dinala sa himpilan ng pulisya si Paguirigsn para sa kaukulang disposisyon.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek.