--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang construction worker matapos ang lantarang pagdadala ng baril habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Roxas, Isabela.

Ang suspek ay si Hector Vincent Domrique, 42 anyos at residente ng Quirino Isabela.

Ayon sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Cauayan kasalukuyang nagsasagawa ng mobile patrol ang mga kasapi ng Roxas Police Station sa pambansang lansangan sa kahabaan ng brgy. Muñoz nang makasalubong nila ang suspek na sakay nang motorsiklo at may hawak na baril.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek isang Cal.38 na baril at dalawang bala.

--Ads--

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (illegal possesion of firearms and ammunition).