CAUAYAN CITY- Nadakip ng mga otoridad ang isang construction worker dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Zipagan St. District 1, Cauayan City.
Ang pinaghihinalaan ay itinago sa alyas na “Rodel”, 33-anyos, construction worker, may-asawa, at residente ng barangay Minante 1, Cauayan, City.
Naging matagumpay ang pagkakadakip ng suspek sa buong pwersang pagtutulungan ng mga kapulisan ng Cauayan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO2 matapos maaktohan ang suspek na nagbebenta ng ilegal na droga sa pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang buy-bust item na dalawang (2) maliit na pakete na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, may timbang na 0.3 grams na nagkakahalaga ng 2,040 pesos at posession item na walong (pakete ng hinihinalang shabu, may timbang na 1.2 grams na may SDP na Php8,160.
Bukod sa mga nakumpiskang ilegal na gamot, nakuha pa mula sa suspek ang isang libong pisong nagsilbing buy-bust money at cellphone.
Sa ngayon ang suspek maging ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Cauayan City Police Station para sa dokyumentasyon at tamang disposisyon para sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.