--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang Construction Worker sa ikinasang drug Buybust Operation ng mga awtoridad sa Purok 7, Mabini, Santiago City.

Ang pinaghihinalaan ay si Jermie Araneta, binata, construction worker at residente ng Purok 6, Mabini, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sa pagtutulungan ng Station Drug Enforcement Unit, City Drug Enforcement Unit ng Santiago City Police Office (SCPO), Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2 ay isinagawa ang anti-illegal drug buy bust operation laban sa pinaghihinalaan.

Nakipagtransaksyon si Araneta sa isang pulis na nagsilbing buyer bitbit ang isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijuana kapalit ng P500.

--Ads--

Mariin namang pinabulaan ng pinaghihinalaan ang pagkakasangkot sa naturang gawain.

Aniya, makikipagkita lamang siya sa isang babae sa nabanggit na lugar na nakilala nito sa social media nang bigla na lamang siyang kunin ng ilang kalalakihan.

Naitala bilang first time offender si Araneta na kabilang sa Street Level Individual List ng mga awtoridad.

Nasa himpilan na ngayon ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).