CAUAYAN CITY– Dinakip ang isang Construction Worker matapos na masangkot sa pagtutulak ng hinihinalang marijuana sa Santiago City
Ang suspek ay si Elsen Del Rosario, 30 antos, binata, construction worker at residente ng Brgy. Mabini, Santiago City.
Sa pagtutulungan ng Station Drug Enforcement Unit ng SCPO Station 1, City Intelligence Unit ng SCPO at Regional Drug Enforcement Unit ng PRO2 at PDEA Region 2 ay inilatag ang anti-illegal drug buybust operation laban sa suspek.
Nakipagtransaksyon ang suspect sa isang Pulis na nagsilbing buyer bitbit ang isang plastic sachet ng hinihinalang Marijuana.
Ang suspect ay kabilang sa street level individual list.
Si Rosario ay dati ng nakulong sa kaparehong kaso noong 2013 at nakalaya nang sumunod ding taon matapos na makapagpiyansa at madismis ang kaso.
Siya ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002) na nasa kustodiya na ng SCPO Station 1.











