--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang Construction worker na nalunod ang natagpuan nang bangkay sa Jones Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MDRRM Officer Engr. Antonio Diaz ng Bayan ng Aglipay sinabi niya na ang biktima ay si Jerome Liquiran, dalawamput isang taong gulang, construction worker at residente ng Andres Bonifacio Diffun Quirino.

Batay sa pagpapahayag ng mga kasamahan ng bioktima sa trabaho, siya ang naatasan na mangolekta ng mga used scaffoldings na nahuhulog sa tubig mula sa kanilang ginagawang tulay at nakita na lamang nilang napupunta na ito sa malalim na parte ng ilog kaya sinubukan nilang tulungan ngunit hindi na nila mahanap pa.

Agad namang rumesponde ang mga kasapi ng MDRRMOs ng ibat ibang bayan para hanapin ang nalunod na biktima ngunit hindi ito natagpuan dahil malaki ang lebel ng tubig at malabo dahil sa pag uulan.

--Ads--

Dahil dito ay kanilang inimpormahan ang mga kalapit na lugar sa ibabang bahagi ng Addalam River para maipabatid sa kanila kung may matagpuang tao sa nasabing ilog.

Kahapon ay natagpuan ang bangkay ng biktima sa bahagi ng Barangcuag, Jones Isabela.

Kinilala ng pamilya ang biktima at nagkausap na rin sila ng contractor ng pinagtatrabahuan ng biktima na aakuin nila ang pagpapalibing sa biktima.

Ang bahagi ng pahayag ni MDRRM Officer Engr. Antonio Diaz.