--Ads--

CAUAYAN CITY- Nilalapatan ng lunas sa Cauayan District Hospital ang isang construction worker matapos pagtatagain ng kaniyang balae sa Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Alexander Olinares Sr., 47 anyos at residente ng Brgy. Harana, Cabatuan.

Sa panayam ng Bomo Radyo Cauayan inihayag ni Alexander Olinares Jr., anak nang biktima na nag-iinuman ang anak ng suspek at kanyang ama nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Umalis ang suspek ngunit bumalik kasama ng ama at kapatid at dito pinagsusuntok at tinaga si Olinares Sr.

--Ads--

Umalis ang mga suspek matapos ang pananaga habang dinala sa pagamutan ang biktima para malapatan ang mga tinamong sugat sa katawan.