--Ads--

Isinama ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang contractor na si Curlee Discaya bilang respondent sa P96.5 milyong kaso ng “ghost” project sa Davao Occidental, kung saan sangkot ang kanyang asawa na si Sarah Discaya.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, ang DPWH sa pamamagitan ni Secretary Vince Dizon ay nagbigay ng pormal na pahayag na nagsasali kay Curlee Discaya sa parehong kaso kung saan nakasama na ang kanyang asawa.

Ipinahayag din ni Clavano na nakatanggap ang opisina ng affidavit mula sa iba’t ibang indibidwal na nagsasabing si Curlee ay may pakinabang o kumokontrol sa mga kumpanyang sangkot sa kaso sa Davao Occidental. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga direktiba sa operasyon ng kumpanya kahit hindi siya nakalista sa mga dokumento, kaya itinuturing siyang ultimate beneficial owner ng kumpanya, na isang hamon para sa kanilang imbestigasyon.

Patuloy pa ring nasa detention facility ng Senado si Curlee matapos itong i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y pagsisinungaling sa mga nakaraang hearing sa flood control scandal.

--Ads--